'Money-bag' ni Saddam nakopo ng koalisyon
April 21, 2003 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng US coalition forces ang dating finance minister ng Iraq na si Hikmat al-Azzawi matapos na madakip ng isang bagitong Iraqi police sa Baghdad kahapon.
Iniulat din na nabawi ang halagang $650 milyong nakasilid sa mga selyadong aluminyong sisidlan sa isang di ibinunyag na lugar sa Baghdad.
Hinihinalang ang nasamsam na salapi ay bahagi ng kayamanan mula sa pangungurakot ni Iraqi President Saddam Hussein.
Si Azzawi ang nakatalang pang-lima sa ipinalabas na listahan ng United States na 55 most-wanted Iraqis na kasalukuyang sumasailalim sa manhunt operation.
Matapos ang pagpapalabas ng talaan ay mismong ang Iraqi police na panibagong itinatag sa Baghdad ang nakipag-koordinasyon sa US forces at nagpasa kay Azzawi sa kustodya ng mga ito.
Sinabi ni Major Rumi Nielson-Green ng US Central Command (Centcom) sa Qatar na nagpapakita lamang ito na nagsimula na ang Iraqi police na mapasakanila ang kontrol ng Iraq.
Habang patuloy ang paghahanap kay Saddam, buhay man o patay, sumuko na rin sa US forces si Khala Khadr al-Salahat, isang miyembro ng Palestinian militant group Abu Nidal na kabilang sa listahan ng mga terrorist organizations.
Kasabay nito, nanawagan ang mga kalapit bansa ng Iraq sa coalition forces na umalis na ang mga ito sa nasabing bansa matapos ang digmaan sa lalong madaling panahon upang mapasimulan na ang pagbuo ng interim government.
Libu-libong Iraqis ang nagsimula nang ibalik ang kanilang trabaho at buksan ang mga shops at negosyo habang nag-aantabay at nakikibalita ang iba sa darating pang magandang kaganapan. (Ulat ng AFP at ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended