^

Bansa

Ang buhay, kapangyarihan at pagbagsak ni Saddam (Ikalawang Bahagi)

- Ni Ellen Fernando -
Nakakuha ng refuge o kanlungan si Saddam sa Cairo sa ilalim din ng suporta ng ilang matataas na opisyal doon dahil na rin sa kagustuhan ng mga Arab na magkaroon ng pagkakaisa sa kanluran. Gayunman, ang Estados Unidos at Britanya ay tutol umano sa naturang adhikain at pagkakaisa. Hindi sinayang ni Saddam ang pagkakataon at oras.

Sa Cairo, ipinagpatuloy nito ang kanyang pag-aaral at kumuha siya ng abogasya kasabay ng kanyang mga aktibidades at komunikasyon sa Baath Party. Bumalik si Saddam sa Baghdad ng makapag-asawa noong l963 at tumayo bilang Asst. Secretary General ng Baath Party. Sa taon ding ito, nabuo muli ang planong kudeta mula sa palihim na suporta ng US upang ituloy ang naudlot na pagpapabagsak sa liderato ni Kassem.

May mga ebidensyang hawak umano ang Iraqi government na ang mga ahente ng Criminal Investigation Agency (CIA) ay nakipag-ugnayan sa mga Iraqi army officers na sangkot sa coup.

Nagtayo pa ng isang electronic command center sa Kuwait upang magsilbing daanan ng puwersa ng US at ibang grupo para lamang maisulong ang kanilang plano.

Nagbigay pa umano ang CIA sa Baath Party ng listahan ng mga personalidad na ‘ililikida’ upang isiguro ang kanilang tagumpay. Magkasundo at maganda pa ang relasyon ng Amerika at Baath Party ng mga panahong iyon at nagbibigayan pa ang mga ito ng intelligence information.

Nagregalo ang Baath Party sa US ng isang modelong MIG fighter jet at tangke na gawa sa Soviet Union nang ialok ng mga ito bilang kapalit sa suporta na pabagsakin si Kassem.

(Itutuloy)

AMERIKA

BAATH PARTY

CRIMINAL INVESTIGATION AGENCY

ESTADOS UNIDOS

KASSEM

SA CAIRO

SADDAM

SECRETARY GENERAL

SOVIET UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with