^

Bansa

Libu-libong Pinoy OPAs sa Japan wala nang trabaho

-
Tinatayang madadagdagan pa ang mahigit kumulang na 20,000 Filipino overseas performing artists (OPAs) ang maaaring mawalan ng hanapbuhay ngayong taon sa gitna ng walang tigil na pagpapasara sa mga entertainment joints sa Japan at kung hindi kikilos ang mga kinauukulang kawani ng gobyerno maaaring tuluyan nang maalis ang naturang industriya at lumala ang unemployment problem ng bansa.

Ito ang tinuran kahapon ni OFW Party List Rep. Omar Fajardo sabay ng paghihikayat sa mga kinauukulan na tulungan ang mga OPAs na matagal-tagal nang nagtitiis sa upak sa kanilang propesyon sa bansang tinaguriang Land of the Rising Sun.

Sa isang sulat ng Makabagong Artista Foundation (MAF) sa dating OFW na miyembro ng Kamara, sinabi ng MAF na nagsimula ang paghihigpit sa mga clubs noong nakalipas na taon nang maupo itong si Tokyo Immigration Bureau chief Hidenori Sakanaka sa puwesto.

Nagsagawa ito diumano ng kempetai-style raids sa clubs upang walisin ang illegal aliens ngunit nahagip din pati documented entertainers at nasara ang may 200 production companies.

Kasunod nito ang pagi-inspection sa mga clubs kung saan kahit kaunting dumi lang diumano sa sahig ng CR ay agad nitong ipinapasara na umabot din sa may isang dosena bago pa nito ibinaba ang pagsusuri sa tamang buwis ng production companies.

Itinatayang aabot na sa mahigit 200,000 Filipino performing artists ang nawalan ng hanapbuhay.

Ayon sa Central Bank, nakapagbigay sa Philippine economy ng $450 million direct remittances ang mga inuupakang OPAs.

vuukle comment

AYON

CENTRAL BANK

HIDENORI SAKANAKA

ITINATAYANG

LAND OF THE RISING SUN

MAKABAGONG ARTISTA FOUNDATION

OMAR FAJARDO

PARTY LIST REP

TOKYO IMMIGRATION BUREAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with