Special Report: Ang buhay, kapangyarihan at pagbagsak ni Saddam
April 15, 2003 | 12:00am
Si Saddam, isang Sunni Muslim, ay isinilang noong Abril 28, l937 mula sa pinakamahirap na angkan sa Al Awja, bayan ng Tikrit sa hilagang Baghdad at pinalaki ng kanyang ina at mga kaanak matapos na maagang maulila sa ama.
Sa murang edad, natuto na si Saddam na magnakaw ng itlog, manok at iba pang pagkain upang may maisubo lamang ito at ng kanyang pamilya. Siya ay illiterate o hindi marunong bumasa at sumulat mula nang maabot niya ang edad na 10.
Isang araw, narinig nito na isa sa kanyang pinsan ang marunong sumulat at bumasa. Nainggit ito hanggang sa hilingin nito sa ina na mag-aral para matuto.
Lumipat ang pamilya Hussein sa Baghdad noong 1955 at dito nagsimula si Saddam na masangkot sa pulitika at sumapi sa oposisyong Baath Party, isang Arab nationalist movement sa Iraq.
Dahil sa likas na abilidad at talino, madaling natuto si Saddam sa mga galaw at operasyon ng Baath party na kumukontra sa gobyerno hanggang sa planuhin nito ang tangkang asasinasyon kay Gen. Abdul Karim Kassem, isang military president ng Iraq noong 1959.
Si Kassem ang nagpasimuno ng coup d etat noong Hulyo 14, l958 sa Iraq na naging dahilan upang iproklama na isang Republic ang Iraq. Napatay noon sa sagupaan ng mga separatista at pulisya si King Faisal II, ang crown prince at si Nuri as-Said, dating prime minister ng Iraq na hinirang na premier ng Arab Union.
Nang isagawa ang planong asasinasyon, kapwa nasugatan sina Saddam at Kassem sa gun battle kaya napilitan si Saddam na tumakas patungong Damascus (Syria) at Cairo.
Naging magulo ng mga sandaling iyon ang pulitika sa Iraq dahil na rin sa pinaiiral na Arab nationalism.
Hindi naniniwala si Saddam sa Arab nationalism kaya pinagtangkaan nito at ng kanyang mga kasamahan na iligpit si Kassem. (Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended