Natapos na ang 30-days reprieve ni Baginda, ng Siocon, Zamboanga del Norte at kahapon ang pagpapataw ng parusang kamatayan dito.
Habang sinusulat ang ulat na ito, wala pang maibigay ang Department of Foreign Affairs sa kaganapan sa Malaysia kung natuloy ang eksekusyon.
Ipinauubaya naman ng Malacañang sa Malaysian government ang desisyon at magiging kapalaran ni Baginda.
Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na noong una ay humingi ng reprieve ang Malacañang sa Malaysian government subalit nang malaman ng Pangulo na sangkot ito sa illegal drugs ay hindi na ipupursige ng Pilipinas ang apela para masagip sa bitay si Baginda.
Si Baginda na isang undocumented OFW ay hinatulan ng death by hanging ng Malaysian court noong 1998 matapos na mahulihan ng 811 gramo ng marijuana sa Kota Kinabalu noong Disyembre 31,1996.
Mariin namang itinanggi ni Baginda ang akusasyon at sinabi nitong naging biktima lamang siya ng set-up ng isang lalaki. (Ulat nina Ely Saludar/Ellen Fernando)