Rules of court di nasunod
April 13, 2003 | 12:00am
Malamang na madis-bar umano ang isang hukom ng Dasmariñas Metropolitan Trial Court dahil sa hindi nito pagtupad sa rules of court sa kaso ng syndicated estafa nina MMG chairman Ervin Mateo at Ethel Mateo-Bartolome.
Sa pahayag ni Atty. Lope Moreno, abogado ng mga Mateo, alinsunod sa rules of court, ang isang kaso kapag naisampa sa korte, ang mga respondent nito ay kailangang ipatawag sa loob ng 3 araw upang makuhanan ng pahayag kaugnay ng kasong isinampa dito.
Ang mga respondent sa anumang kaso ay isasailalim mula sa preliminary investigation at kapag nakakuha ng sapat na katibayan (probable cause) na nagdidiin sa mga akusado sa kaso, ang mga ito ay maaaring maisyuhan ng warrant of arrest para madakip.
Sa kaso umano ng mag-pinsang Mateo, hindi man lamang sila naisubpoena sa loob ng 3 araw na grace period at hindi man lamang naisailalim sa preliminary investigation ng korte bago pa man sila naisyuhan ng warrant of arrest ni Dasmarinas MTC Judge Lorinda Toledo.
Kinuwestyon din ng kampo ni Mateo kung bakit ang MTC ang nag-isyu ng warrant dito sa kasong syndicated estafa sa halip na ang Regional Trial Court na may hurisdiksyon sa ganitong kaso.
Magugunitang si Ervin ay nabilanggo sa bisa ng warrant of arrest ni Judge Toledo ng MTC sa Parañaque City samantalang si Ethel ay nahuli sa Maynila.
Bunsod ng mga technicalities, nagsampa ng motion to inhibit, motion to reconsideration at lifting ng warrant of arrest ang abugado ng mga akusado. Sinabi naman ni Toledo na pag-aaralan pa umano niya ang naturang mga petisyon bago magpalabas ng desisyon hinggil dito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest