^

Bansa

GMA pinuri ng House solons sa pagsuporta sa Amerika

-
Nanawagan sa sambayanang Pilipino ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan na magkaisa at suportahan si Pangulong Arroyo dahil sa naipakita nitong mahusay na inisyatibo at pagpapasya sa Iraq crisis.

Nagkakaisang pinuri nina Reps. Prospero Pichay, Robert Ace Barbers, Leovigildo Banaag, Prospero Nograles at Amado Espino ang pagsanib ni Pangulong Arroyo sa Coalition of the Willing kaugnay ng gulo sa Iraq.

"The President’s handling of the Iraqi crisis is a textbook example of bold yet responsible leadership," ani Rep. Barbers.

Sinabi naman ni Rep. Pichay na dapat lamang papurihan si Arroyo sa kanyang policy stand at suklian ito ng suporta gayong papasok na ang global community sa mas mahirap na post-war period sa rehabilitasyon ng Iraq.

Para kay Rep. Banaag, ang matatag na pagsuporta ng Pangulo sa US ay nagpapakitang siya ay less of a politician at more of a statesman, at naglalagay sa kanya sa hanay ng mga pinuno ng daigdig na tumahak sa daang mahirap at di popular pero napatunayang tama ang kinalabasan ng digmaan.

Ayon kay Rep. Nograles, ang pagsama ng Pilipinas sa Coalition of the Willing ay magbubukas ng mga pagkakataon sa ating mga manggagawa at negosyante kapag nagsimula na ang rehabilitasyon ng Iraq, lalo’t tayo ang nanguna sa pagpapahayag ng suporta sa paglusob ng Amerika sa Iraq.

Ang pagbaba ng Social Weather Station (SWS) rating ng Pangulo ang kapalit ng isang di popular ngunit tumpak na pagharap sa isyu ng Iraq, wika naman ni Rep. Espino.

Naniniwala ang mga kongresista na tataas ang survey ratings ng Pangulo dahil sa pagkapanalo ng Coalition of the Willing. (Ulat ni Malou Escudero)

AMADO ESPINO

COALITION OF THE WILLING

LEOVIGILDO BANAAG

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PROSPERO NOGRALES

PROSPERO PICHAY

ROBERT ACE BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with