Ayon kay National Secuirty Adviser Roilo Golez, ito ay matapos bumagsak na ang Baghdad kung kaya wala nang inaalala pa ang Pilipinas sa diplomatic complications.
Sinabi ni Golez na malayang makakapagsagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad at matututukan ang mga intelligence reports na posibleng ginamit ng gobyerno ni Saddam Hussein ang kanilang diplomatic organizations para tumulong sa mga teroristang grupo.
Kasama rin sa iimbestigahan ay ang mga taga-Iraqi Embassy hinggil sa mga anti-war rallies sa bansa. (Ulat ni Ely Saludar)