'Unexplained wealth' ng DENR chief pinabubusisi sa PAGC
April 11, 2003 | 12:00am
Pormal nang hiniling kay Presidential Anti-Graft Commmission Chairman Dario Rama na imbestigahan si Environment and Natural Resources Sec. Elisea Gozun sa diumanoy unexplained wealth dahil sa biglang pagtaas ng mahigit P20M ng salapi nito matapos italaga sa puwesto ni Pangulong Arroyo.
Sa sulat kay Rama ng isang Teddy Reyes, ng Extremadura st., Sampaloc, Manila noong Abril 8, 2003, isa pang kinukuwestiyon kay Gozun ay ang biglang pagbawi nito sa Department Administrative Order 17 na salungat sa panuntunang maka-mahirap ng administrasyong Arroyo. Ang DAO 17 ay inisyu ni dating DENR Sec. Heherzon Alvarez, ang pinalitan ni Gozun sa puwesto. Ipinagbabawal ng DAO 17 ang pangingisda ng tinatawag na commercial fishers sa loob ng 15-kilometro mula sa pampang na inilaan sa maliliit na mangingisda.
Binawi ni Gozun ang DAO 17 dalawang araw bago siya kumpirmahin ng CA bilang kapalit umano ng kanyang kumpirmasyon matapos maghatag ng malakas na lobby ang mga commercial fishers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest