'Di pa tapos ang laban Bush
April 11, 2003 | 12:00am
Sa kabila ng pagbubunyi ng mga Iraqis sa pagbagsak ng rehimen ni Saddam Hussein, sinabi kahapon ni US President George Bush na hindi pa panahong magdeklara ng "Victory" o panalo dahil hindi pa alam kung buhay o patay si Hussein.
Kahit itinuturing ng marami na bagsak na ang diktadurya ni Hussein, sinabi ni Bush na kailangan pa ring maging maingat. "We view the development with cautious optimism," ani Bush.
Samantala, sinabi rin ni US Defense Sec. Donald Rumsfeld na "there are lots of fighting to be done and well finish the job."
Hindi raw titigil ang laban hangggat may nalalabing elementong tapat kay Hussein.
May mga di kumpirmadong ulat na si Hussein at isa sa kanyang mga anak ay tumakas na sa Baghdad. Sinasabing nasa Syria ito, sugatan at nagtatago.
Inamin naman mismo ni Iraqi Ambassador to UN Mohammed al-Duri na tapos na ang laban at suko na siya.
Pero, tuloy pa rin ang pambobomba ng coalition forces at target nila ngayon ang paghahanap sa mga mapamuksang sandata ni Hussein.
Nagbigay ng pabuya ang US sa makapagtuturo sa weapon of mass destructions ni Saddam.
Sunud-sunod pa rin ang pag-alis at pagdating ng bomber planes at bawat dumarating ay inaalisan ng basyo ang ibinagsak at pinapalitan ng bomba.
Samantala, di na makontrol ang lumalalang gulo at nakawan sa Baghdad ng mga mamamayang Iraqis.
Unang pinagbalingan ng mga sibilyan ay ang mga rebulto ni Saddam sa Basra. Pinaglaruan ng mga ito ang mukha ng kanilang lider at lahat ng makitang estatwa o litrato ay winawasak. Dito nila ibinuhos ang 25 taong kinimkim nilang galit sa rehimen. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
21 hours ago
Recommended