Walang SARS sa karne
April 9, 2003 | 12:00am
Pinawi ng Department of Health (DOH) at National Meat Inspection Commission (NMIC) ang pangamba ng taongbayan na maaaring makuha ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) sa mga karneng inaangkat mula sa mga bansang mayroon ng nasabing sakit.
Sa panayam kay Dr. Manuel Mapuae, ng Epidemiologist Center ng DOH, hindi nakukuha sa mga karne ng hayop ang organismo ng SARS dahil kumakapit lamang ang mga organismo nito sa "human tissue."
Ito ay base na rin sa mga pag-aaral ng mga dalubhasang sumusuri sa mga specimen na nakuha ng mga ito sa mga pasyenteng nagka-SARS o killer pneumonia.
Sinabi rin ni NMIC director Dr. Efren Nuestro, na ligtas ang domestic meat natin at imported meat na nagmumula sa China, Australia, US at New Zealand na naibebenta sa Pilipinas dahil ang SARS ay hindi kumakapit sa mga alagaing hayop tulad ng baka, baboy, kambing, manok at iba pa.
Muling nilinaw ng DOH na ang SARS ay makukuha ng isang indibidwal sa mga "droplets" ng laway sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahin ng isang taong mayroon nito.
Kapag gumamit ka ng telepono o cellphone ng may SARS ay hindi ka rin basta-basta mahahawa kapag lumipas na ang 2 hanggang 3 oras na ginamit niya ito. (Ulat nina Jhay Mejias/Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended