OFWs sa Saudi, Kuwait at Israel puwede na
April 9, 2003 | 12:00am
Inalis na kahapon ni Pangulong Arroyo ang ban sa pagpapadala ng overseas Filipino workers sa Saudi Arabia, Kuwait at Israel.
Itoy batay sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs at Department of Labor and Employment.
Batay sa report ni Special Envoy Roy Cimatu, mapayapa at normal na ang sitwasyon sa Kuwait, Saudi Arabia at Israel.
Gayunman, nananatiling suspendido ang pagbiyahe ng mga Pinoy sa Iraq.
Nagdesisyon ang Pangulo na alisin ang ban para pagkatapos ng giyera ay agad makakaalis ang mga OFW patungong Middle East na nakakakumpleto na ng kanilang travel and work documents. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest