Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ilang ulit nang sinabi ng Pangulo na hindi siya kakandidato at ang ganitong mga pahiwatig ng pangungulit sa pagtakbo ng Presidente ay nakakaabala lang sa trabaho.
Ang pakiusap ay ginawa ni Bunye kasunod ng ulat na diumanoy ilang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo ang nagnanais na baguhin ang desisyon nitong hindi pagtakbo sa 2004.
Sinabi ni Bunye na huwag mainip at pipiliin din ng Pangulo ang kanyang mapipisil na kandidatong presidente sa Nobyembre o Disyembre.
Ayon naman sa oposisyon, bagaman sinasabi ng Pangulo na hindi na siya tatakbo sa halalan, iba naman ang sinasabi ng kanyang "body language." (Ulat ni Lilia Tolentino)