Peacekeeping mission sa Iraq handa na
April 7, 2003 | 12:00am
Dahil sa nalalapit na ang pagtatapos ng giyera sa Iraq ay ikinasa na rin ng Malacañang ang humanitarian at peacekeeping team sa nasabing bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa Iraqis para sa rehabilitasyon matapos ang giyera.
Ang pahayag ng Palasyo ay kaugnay ng deklarasyon ng US-led forces na malapit ng matapos ang labanan at ikinasa na lamang ang final attack sa Iraq.
Sinabi ni Bunye na handa rin ang Pilipinas na magpadala ng mga Pinoy na manggagawa sa Iraq para sa rehabilitasyon at muling konstruksiyon ng mga gusali na winasak ng giyera.
Samantala, rekomendasyon ni Special Envoy Roy Cimatu ang pag-aalis ng ban sa mga Pinoy na manggagawa sa Kuwait dahil sa bumabalik na ang normal na sitwasyon sa nasabing bansa. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest