^

Bansa

Iisa ang mukha (Unang bahagi)

-
Sa larangan ng terorismo, nagkakampihan ang mga halang ang bituka. Nagsasama-sama ang mga puso at diwa ng mga taong ang kaligayahan ay manakit, pumaslang at magpahirap ng kapwa.

Hindi imposibleng makipagsabwatan ang New People’s Army (NPA) sa katulad nilang armadong grupo upang mapalakas pa diumano ang kanilang kapabilidad at puwersa. "Kapit sa patalim" ika nga dahil alam nilang hindi nila kayang labanan mag-isa ang tropa ng pamahalaan.

Kamakailan, inamin ni Gregorio "Ka Roger" Rosal sa isang panayam sa radyo na patuloy ang pagsasanay nila ng mga mandirigmang MILF kapalit ng mga armas. Idinagdag pa niya na napagkasunduan ng NPA at MILF na magsanib laban sa pamahalaan at militar dahilan sa patuloy na sigalot na nagaganap sa Mindanao. Hindi rin malayong makialyado ang NPA sa ASG. Sino pa ba ang magtutulungan sa panahong nagkakagipitan na sila kung hindi ang kagaya rin nila?

Sa ganitong sistema, iisang mukha lang pala ang kalaban ng buong sambayanan. Magkakaiba man ang pangalan ng kanilang grupo, ng kanilang lider at miyembro at ng kanilang ipinagsisigawang ideyolohiya, pare-pareho lang silang lahat. Pare-pareho silang mga terorista. (Ulat ni Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

GREGORIO

IDINAGDAG

KA ROGER

KAMAKAILAN

KAPIT

MAGKAKAIBA

MINDANAO

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with