Subalit inulit ng mambabatas na kailangang tanggapin ng MILF ang final peace agreement na inaprubahan ni Pangulong Arroyo at kilalanin ang Saligang Batas upang magtagumpay ang peace talks.
Ang kasunduan ay tumatawag sa pagdisarma ng MILF at pagbuwag ng Bangsa Moro Islamic Armed Force at iba pa nitong armed components sa loob ng 30 araw pagkapirma sa kasunduan.
Ito ay nagtataglay ng amnesty package para sa mga rebelde, probisyon sa pagbabayad sa mga armas na isusuko nila sa pamahalaan, at tulong sa pagbabalik ng mga rebelde sa lipunan.
Kinikilala ng kasunduan ang identity, karapatang kultural, at paraan ng pamumuhay ng Bangsamoro at isinusulong ang mga ito. May mga probisyon din para sa kanilang edukasyon, health services, livelihood development at pagbubuo ng Bangsamoro Development Authority na magpapatupad ng mga ito sa tulong ng ARMM at mga ahensiya ng pamahalaan. (Ulat ni Malou Escudero)