^

Bansa

MILF magdisarma muna bago pag-usapan ang pagsulong ng Mindanao

-
Pinuri ni House defense committee chairman Prospero Pichay (Lakas, Surigao del Sur) ang pasya ng government peace panel at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan at sinabing isa itong mahalagang hakbang tungo sa kaunlaran ng Mindanao.

Subalit inulit ng mambabatas na kailangang tanggapin ng MILF ang final peace agreement na inaprubahan ni Pangulong Arroyo at kilalanin ang Saligang Batas upang magtagumpay ang peace talks.

Ang kasunduan ay tumatawag sa pagdisarma ng MILF at pagbuwag ng Bangsa Moro Islamic Armed Force at iba pa nitong armed components sa loob ng 30 araw pagkapirma sa kasunduan.

Ito ay nagtataglay ng amnesty package para sa mga rebelde, probisyon sa pagbabayad sa mga armas na isusuko nila sa pamahalaan, at tulong sa pagbabalik ng mga rebelde sa lipunan.

Kinikilala ng kasunduan ang identity, karapatang kultural, at paraan ng pamumuhay ng Bangsamoro at isinusulong ang mga ito. May mga probisyon din para sa kanilang edukasyon, health services, livelihood development at pagbubuo ng Bangsamoro Development Authority na magpapatupad ng mga ito sa tulong ng ARMM at mga ahensiya ng pamahalaan. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

BANGSA MORO ISLAMIC ARMED FORCE

BANGSAMORO

BANGSAMORO DEVELOPMENT AUTHORITY

MALOU ESCUDERO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG ARROYO

PROSPERO PICHAY

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with