Kinumpirma ni Noel Albano, deputy speaker general ng House public relations and information division na agad niyang tinawagan sa telepono si Marcelino Achanzar ng malaman nitong nasa loob siya ng compound ng Batasan kaya hindi ito nakapasok at hanggang sa ground lang.
Nagtungo si Achanzar sa Batasan upang kumuha ng kanyang suweldo. Gayunman, nilinaw ni Albano na hindi naman isang ban para sa mga kongresista, empleyado at reporters na pumunta sa China ang ipinatutupad ng liderato ng Kamara kundi isa lamang kasunduan na sumailalim ang mga ito sa "self quarantine."
Inaasahang mananatili sa kanilang mga tahanan ang mga kongresista, reporters at empleyado ng Kamara hanggang sa darating na Linggo.
Kinumpirma pa ni Albano na kinansela ni de Venecia ang kanyang mga appointment sa loob ng linggong ito ay mananatili lamang ito sa kanyang tahanan. (Ulat ni Malou Escudero)