^

Bansa

House employee na pumunta sa China, hindi pinapasok sa gusali ng Kamara

-
Pinagbawalan kahapon na makapasok sa gusali ng House of Representatives ang isang House photographer na nanggaling sa Shanghai, China matapos nitong suwayin ang utos ni House Speaker Jose de Venecia na sumailalim sa "self-quarantine" o huwag lumabas ng bahay sa loob ng pitong araw upang masigurong hindi makakapasok sa Pilipinas ang SARS virus.

Kinumpirma ni Noel Albano, deputy speaker general ng House public relations and information division na agad niyang tinawagan sa telepono si Marcelino Achanzar ng malaman nitong nasa loob siya ng compound ng Batasan kaya hindi ito nakapasok at hanggang sa ground lang.

Nagtungo si Achanzar sa Batasan upang kumuha ng kanyang suweldo. Gayunman, nilinaw ni Albano na hindi naman isang ban para sa mga kongresista, empleyado at reporters na pumunta sa China ang ipinatutupad ng liderato ng Kamara kundi isa lamang kasunduan na sumailalim ang mga ito sa "self quarantine."

Inaasahang mananatili sa kanilang mga tahanan ang mga kongresista, reporters at empleyado ng Kamara hanggang sa darating na Linggo.

Kinumpirma pa ni Albano na kinansela ni de Venecia ang kanyang mga appointment sa loob ng linggong ito ay mananatili lamang ito sa kanyang tahanan. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

ALBANO

BATASAN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SPEAKER JOSE

KAMARA

KINUMPIRMA

MALOU ESCUDERO

MARCELINO ACHANZAR

NOEL ALBANO

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with