^

Bansa

SARS gagamitin ng Iraq

-
Kung hindi umano kaya ng Iraq na mapulbos ang US-British forces sa pamamagitan ng mga mapamuksang armas, posibleng gamitan na nila ito ng kinatatakutang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) virus na kanilang ipapakalat naman sa mga bansang kasapi ng tinatawag na "coalition of the willing" bilang ganti sa pagsuporta ng mga ito sa ginawang paggiyera ng coalition forces sa Iraq.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada, hindi na kailangan pang taniman ng bomba ng mga suicide bomber ang kanilang katawan kundi tutungo sila sa mga bansang may SARS at magpapahawa saka ipakakalat sa mga bansang miyembro ng "coalition of the willing" gaya ng United States, Spain, Portugal, Australia, Pilipinas at iba pa.

Inihalimbawa ni Lozada ang nangyari noong 1918 kung saan isang virus na halos katulad ng SARS ang kumitil sa nasa 30-40 milyon mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo.

"They do not have to strap their bodies with bombs. All they have to do is get themselves infected by the disease then spread it simply to Americans and British," ani Lozada.

Magugunitang sinabi ng mga opisyal ng World Health Organization (WHO) na napakadaling kumalat ng SARS virus at maaari itong malanghap sa hangin.

Idinagdag ni Lozada na ang SARS ang pinakamurang sandata sa kasaysayan ng mundo na maaring kumitil ng libu-libong sundalo at mga mamamayan.

Posible rin anyang makalusot sa mga military checkpoints ang mga Arab nationals na gagamitin upang manghawa ng nakamamatay na virus.

Ayon sa ulat ng isang international television network, nasa 4,000 Arab nationals kabilang na ang mga Yemeni, Syrian, Jordanian, Saudi Arabian at iba pang nationals ang nakahandang magpakamatay at ilunsad ang suicide mission upang maipagtanggol ang Iraq.(Ulat ni Malou R. Escudero)

vuukle comment

AMERICANS AND BRITISH

APOLINARIO LOZADA

AYON

LOZADA

MALOU R

NEGROS OCCIDENTAL REP

SAUDI ARABIAN

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with