Cardinal Sin isinugod sa ospital

Mabilis na isinugod sa Cardinal Santos Medical Center si Archbishop Jaime Cardinal Sin matapos na mag-collapse habang nagmimisa sa isang chapel kahapon.

Si Sin, 75, magreretiro sa Agosto ay inihayag ni Auxilliary Bishop Soc Villegas na nasa mabuti nang kalagayan matapos ang hinihinalang mild stroke na sinapit nito.

Nauna rito, ilang beses rin umanong nakaramdam ang Cardinal ng mild-stroke bago ito isugod kahapon sa nasabing pagamutan.

Nabatid na na-ospital na rin noong 1981 at 1998 si Sin dahil sa matagal na niyang sakit sa atay. (Ulat ng Reuters)

Show comments