Human bombs ikinalat ni Saddam
March 31, 2003 | 12:00am
Apat na sundalong Amerikano ang nasawi matapos na umatake ang isa sa suicide bomber na ipinakalat ni Iraqi President Saddam Hussein laban sa US allied troops sa lungsod ng An Najaf kahapon.
Ayon sa Central Command, habang nagsasagawa ng military checkpoint ang mga sundalong Amerikano sa An Najaf, may 100 milya (160 kilometro) ang layo sa Katimugang bahagi ng Baghdad ay pinahinto ng mga ito ang paparating na taxi sakay ang isang Iraqi driver.
Kumaway pa umano ang driver sa apat na US soldier na nagsasagawa ng checkpoint at nang makalapit ang mga ito ay isang malakas na pagsabog ang narinig. Wasak ang taxi at agarang namatay ang apat na sundalo.
Matapos ang nasabing insidente, sunud-sunod na pambobomba ang naganap sa Katimugang bahagi ng Baghdad.
Ayon kay Iraqi Vice President Taha Yassin Ramadan, simula pa lamang ito sa pag-atake ng mga ipinakalat na suicide bombers ni Hussein sa Iraq upang targetin ang US led invasion forces.
"Any method that stops or kills the enemy will be used. What do they expect? ani Ramadan.
Iginiit ni Ramadan na hindi pinahihintulutan ang mga Arabo at Muslim na gumawa ng missile at malalakas na armas gaya ng gamit ng US led coalition forces kaya inaasahan na ang human bombs ang gugupo sa puwersa ng Kano at Britanya.
Pinapurihan pa ni Ramadan ang Iraqi suicide bomber na kinilalang si Junior Army Officer Ali Hammadi al-Namani na nagbuwis ng kanyang buhay.
Inianunsyo sa isang Iraqi television na pagkakalooban rin ni Iraqi Pres. Hussein ng dalawang posthumous medal si al-Namani dahil sa ipinakita nitong kabayanihan sa pakikipaglaban at pagtatanggol sa kanilang bayan.
Binatikos ni US President George W. Bush ang nasabing insidente at sinabing malupit ang rehimen ni Saddam.
Sinabi naman ni Maj. Gen. Stanley McChrystal, Vice Director for Operations ng US Military Joint Staff na isang terorismong hakbang ang ginawa ng Iraq.
"It looks and feels like terrorism. It doest affect the operations at large. But to protect our soldiers, it clearly requires great care," ani McChrystal.
Sinabi ng Central Command na isang US Marine pa ang napatay nang mabangga ito ng humvee vehicle sa kasagsagan ng enkuwentro sa mga sundalong Iraqis sa Southern-Central Iraq. Isa pang US Marine ang nalunod nang ang sinasakyang humvee nito ay aksidenteng mahulog sa isang malalim na kanal.
Sa rekord, umaabot na sa 32 na sundalong Amerikano ang napapatay kabilang na ang apat na biktima ng suicide bombing simula nang mag-umpisa ang giyera habang 104 ang sugatan, pito ang nabihag at 15 pa ang nawawala. (Ulat ng Reuters at ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest