Ang mga lihim ni Ka Roger (Huling Bahagi)
March 30, 2003 | 12:00am
Matapos magsanay ng mga kasapi, sa Barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna nagpupunta si Ka Roger na balitang marami siyang mga kaalyado. Hindi siya nagtatagal sa isang bahay. Palipat-lipat siya upang hindi malaman ng mga militar ang kanyang iksaktong kinaroroonan.
Enero 2002, si Ka Roger ay nagtungo sa Netherlands upang makausap ng personal si CPP chairman Jose Maria Sison. Pagbalik niya sa Pilipinas, siya ay naging aktibo na bilang tagapagsalita ng NPA. Bawat "isssue" na tinatalakay ng pamahalaan lalo na sa panig ng militar at sa pag-uusap ng kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NDF-NPA ay may nakahanda silang kasagutan.
Bilang tagapagsalita sa NPA, magaling siyang magbaluktot ng mga "issue" na pabor sa kanilang samahan. Mahusay niyang nalilinlang ang mga ordinaryong mamamayan at nakukuha niya ang mga simpatiya nito lalo na ang mga kabataan. Nahihikayat niya ang mga kabataan na mag-aklas sa pamahalaan bilang isang anyo ng kalayaang maibubulas nila ang kanilang paninindigan at kalayaang makapagsalita.
Sa biglang pakiwari ay may katotohanan subalit hindi tinuturo ni Ka Roger na ang kalayaan ay may limitasyon. Na kapag sinasapawan mo na ang karapatan din ng iba, ito ay paglabag sa karapatan naman ng ibang tao. May hangganan ang kalayaan. Oo, lahat tayo ay may kalayaan subalit nagtatapos ang ating kalayaan kapag lumalampas na tayo sa kalayaan ng iba.
Sa pag-uutos ni Ka Roger na patayin ang mga dating kasamahan na nais magbagong buhay, hindi ba nilalabag din niya ang kalayaan nitong pumili ng tamang landas, na tahimik at kapiling ang mga mahal sa buhay? Katulad ng nangyari kina dating NPA leader Rolly Kintanar at mga kasamahan nito.
Ang pangingikil ng NPA sa mga mamamayan, di ba paglabag din sa kalayaan nila na masarili ang kanilang pinagpaguran?
Maraming lihim si Ka Roger. Ilan lamang ang mga ito dahil hindi sapat ang oras sa pagtatalakay. Harinawang magising ang mga mamamayan sa tamang ideolohiya. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended