US kinakapos na sa bala, gasolina
March 30, 2003 | 12:00am
Kinakapos na sa bala, gasolina, pagkain at gamot ang mga US ground troops na nakaposisyon ilang kilometro na lamang ang layo sa Baghdad sanhi upang pansamantalang itigil ang kanilang pag-usad at pag-atake sa tropa ni Saddam Hussein.
Ayon sa mga US military commanders, dahil sa ilang araw nang napapasabak sa labanan ang 7th Cavalry at US3rd Infantry Battalion na nagsilbing mga advance party ground troops ay naubos na ang kanilang mga dala at stock na kagamitan sa pakikipagdigma.
Sinabi ng Pentagon na pansamantala munang ititigil ang ground attack sa loob ng lima hanggang anim na araw hanggat wala pa ang suporta mula sa mga ipapadalang 20,000 sundalong Amerikano at Britanya mula sa karagdagang 120,000 troops na siyang papalibot sa Baghdad dala rin ang mga malalakas na kagamitang panggiyera, supply na pagkain, gamot at gasolina para sa kanilang mga military trucks at tangke.
Gayunman, ipagpapatuloy ang mga air attacks mula sa F-15E Strike Eagle Fighter jets at pagpapakawala ng cruise missile sa Baghdad.
Samantala, isa na namang palengke sa Baghdad ang binomba at pinaulanan ng Tomahawk cruise missile ng US-led coalition forces sanhi ng pagkamatay ng 55 Iraqis at pagkasugat ng maraming sibilyan.
Ayon kay Osama Sakhari, isang doktor sa Al-Noor Hospital sa Baghdad, umabot na kahapon sa bilang na 55 ang namatay habang 47 ang kasalukuyang ginagamot bunga ng panibagong pambobomba sa palengke sa Northern Shula.
Ayon naman kay Information Minister Mohammed Saeed al-Sahaf, nakapagtala sila ng 58 sibilyang Iraqis na nasawi sa nasabing pambobomba.
Sinabi ng Abu Dhabu television, bunga ng matinding tama ng pinakawalang US cruise missile sa palengke ay nawasak ito at nag-iwan ng malaking butas sa isang kalsada habang maraming mga nakaparadang sasakyan ang nasira.
Gayunman, muling dumepensa ang US sa nasabing insidente at niliwanag na posibleng nagmula rin ito sa mga pinakawalang Scud missile ng Iraqi troops bilang pagganti sa air defense missile ng mga ito o posibleng pananabotahe ng Iraqi administration.
Unang pinakawalan noong Biyernes ng US allied forces ang 4600 lbs. missile (2,086 kg. bomb) na sinasabing bunker-busters sanhi ng pagkakawasak ng telephone lines, communication centers at facilities sa Baghdad.
Kahapon, sinabi ng US Central Command na muling nagpaulan ng laser-guided missile bombs ang US warplanes sa mga pangunahing gusali sa Southern Iraqi city sa Basra kung saan nagpupulong ang may 200 paramilitary members.
Sinabi ng Central Command na dalawang F-15E Strike Eagle Fighter jets ang nagbagsak ng bomba sa paramilitary meeting bilang isang "emerging target".
Samantala, isa ang nasugatan sa Kuwait matapos na isang Scud missile ang di inaasahang bumagsak doon mula sa Basra dakong alas-6:30 kahapon ng umaga .
Sinabi ng Kuwaiti authorities na hindi nadetect ng kanilang radar ang pinakawalang missile ng Iraqi troops mula sa Basra kaya niyanig ang lungsod ng hindi tumutunog ang sirena sanhi ng pagkawasak ng isang shopping mall doon. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest