^

Bansa

Magulang ni Dalingay nasa HK na

-
Tumulak na kahapon patungong Hong Kong ang mga magulang ng Pinay domestic helper na namatay sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) upang saksihan ang cremation ng kanilang anak.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Virgilio Angelo dakong alas-2:30 ng hapon ng umalis ang mga magulang ni Adela Dalingay, 39, na sina Gregorio at Lolita Dalingay lulan ng PAL flight 306 kasama ang ilang opisyal ng OWWA, DFA at DOLE.

Sinabi ni Angelo na pansamantalang tutuloy ang mga magulang ni Dalingay sa OWWA Hostel sa HK kung saan naroon ang labi.

Pumayag ang mga opisyal ng HK na masilayan sa viewing room ang Pinay domestic helper bago tuluyang sunugin ang labi nito.

Tiniyak din ni Angelo na matatanggap ng pamilya ni Dalingay ang lahat na mga benepisyo na ilalaan ng social benefits division ng kanilang tanggapan dahil legal naman namasukan ang biktima sa HK na tumagal ng 7 taon. (Ulat nina Jhay Mejias/Ellen Fernando)

vuukle comment

ADELA DALINGAY

ADMINISTRATOR VIRGILIO ANGELO

ANGELO

DALINGAY

ELLEN FERNANDO

HONG KONG

JHAY MEJIAS

LOLITA DALINGAY

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with