Bagong sakit umuusbong
March 28, 2003 | 12:00am
Mariing pinabulaanan ng Department of Health na mayroong panibagong umuusbong na sakit na tanging mga bata lamang ang nagkakaroon nito.
Ayon kay Dra. Ma. Consorcia Lim Quizon, executive assistant ng DOH, ang Meningo Coccemia ay isang sakit na kaparehong sintomas ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) o killer pneumonia.
Ngunit nilinaw ni Quizon, hindi na bago ang nasabing sakit gaya ng napapaulat na bukod tanging mga bata lamang na edad 10 pababa ang tinatamaan.
Bagamat aniya na may kaparehong sintomas ng SARS ang nararanasan ng mga naging biktima ng Meningo Coccemia gaya ng pagkakaroon ng mataas na lagnat, pag-uubo, sakit ng ulo, hirap sa paghinga ay mayroon namang sapat na gamot para malunasan ito.
Sinabi ni Quizon na hindi airborne ang Meningo Coccemia o nakukuha sa hangin taliwas ito sa tunay na depenisyon ng nabanggit na sakit na posibleng kumalat at makahawa.
Sa kasalukuyan, bineberipika pa ng DOH ang balitang mayroon nang nasawi sa nasabing sakit. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended