Saddam maraming impostor
March 27, 2003 | 12:00am
Naniniwala si House Speaker Jose de Venecia na mahihirapan ang coalition forces na matukoy ang totoong kinaroroonan ni Iraqi Pres. Saddam Hussein dahil na rin sa pagkakaroon nito ng mga impostor.
Sinabi ni de Venecia, mayroong pito hanggang walong body double si Saddam na posibleng isa sa mga ito ang siyang lumalabas sa Iraqi television.
Hindi aniya siya nakatitiyak na si Saddam ang lumalabas sa TV dahil medyo tumaba ang mukha nita sa suot nitong beret gayong sa mga pictures ay medyo mahaba ang mukha nito.
Unang nakita ni de Venecia ang isa sa mga impostor ni Saddam noong 1996 nang magtungo siya sa Iraq para pakiusapan ang Iraqi leader na maisalba ang tatlong overseas Filipino worker na nasentensiyahan ng kamatayan.
Binati umano si de Venecia nang inakala niyang si Hussein subalit sinagot siya ng impostor na hindi siya ang pangulo.
"So I said good morning Mr. President and he said, Im not Pres. Saddam Hussein sir, I think they told me that the American satellites are tracking down the movements of Saddam," pahayag ni de Venecia.
Pagkatapos niyang makaharap ang ka-double ni Saddam sa isang palasyo ay nagtungo siya sa isa pang palasyo ni Hussein.
Nakaharap ni de Venecia ang tunay na Saddam matapos itong dalhin sa isang opisina ni Hussein na may anim na palapag sa lalim ng lupa. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest