^

Bansa

Saddam nagtatago sa 'secret lungga'

-
Isang underground "palace" na may command centers ang kasalukuyang pinagtataguan ngayon ni Iraqi Pres. Saddam Hussein.

Ayon kay Filipino-Muslim scholar Datu Norodin Lucman, may-akda ng Moro Archives, ang "palace" na may command center at interconnecting tunnels sa iba pang underground complexes ang siya umanong nakikita natin sa tuwing ineere ng Iraqi TV network ang pagsasalita ni Saddam.

Ayon kay Lucman, batid ni Hussein ang lakas ng US at allies nito kaya naman nagtayo ito ng malawak na underground military bases na pinamumugaran din ng kanyang Elite Republican Guards.

"Saddam build a number of secret luxury palaces in Iraq complete with super security system; five kilometer deep command centers, and interconnecting tunnels, this was also designed to keep him safe from his internal enemies," sabi ni Lucman.

Gayunman, sinabi niya na ang underground facilities na itinayo bago pa ang 1991 Gulf War ay may pang-depensa laban sa US smart bombs o ang tinatawag na "Mother of All Bombs."

Ayon kay Lucman, ang location ng underground palaces ay isang military secret ng Iraq.

Isang Filipino engineer na 10 taon nagtrabaho sa Iraq ang nagsabi na ang mga trabahador dito ay pinipiringan sa tuwing nagpupunta sa naturang mga lugar para magtrabaho at hindi pinapayagang gumala.

Nang itayo nila ang underground railway system, sinabihan sila na ang itatayo ay isang underground city. Sa naturang railway idinadaan ang mga heavy equipment at iba pang construction materials.

"Saddam will not allow himself to be captured alive, he will suffer the fate of Hitler who committed suicide inside his bunker," sabi pa ni Lucman. (Ulat ni Perseus Echeminada)

AYON

DATU NORODIN LUCMAN

ELITE REPUBLICAN GUARDS

GULF WAR

IRAQI PRES

ISANG FILIPINO

LUCMAN

MORO ARCHIVES

SADDAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with