Hiling na ideklarang abugado si Llamas ibinasura ng Korte
March 25, 2003 | 12:00am
Ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan ng pamilya ng napatay na Ateneo Law graduate na si Jose Ramon Llamas upang ideklara itong isang ganap na abugado.
Sa isang pahinang resolusyon ng Supreme Court (SC) en banc, binalewala nito ang inihaing petition for the grant of posthumous admission to the Philippine Bar ni Mrs. Ma. Lourdes Ruiz Llamas, ina ng biktima.
Nilinaw ni Mrs. Llamas na nakapasa sa pagsusulit ang kanyang anak kaya nararapat lamang itong ideklara bilang isang abugado at payagan siyag lumagda sa Roll of Attorneys para sa kanyang anak.
Iginiit naman ni Associate Justice Vicente Mendoza, chairman ng 2002 Bar exams na hindi maituturing na abugado si Llamas dahil hindi na ito maaaring manumpa, subalit nilinaw naman ng Mataas na Hukuman na ang tanging magagawa lamang nila ay atasan ang Office of the Bar Confidant upang magpalabas ng special certificate na nagpapatunay na nakapasa si Llamas sa Bar exams.
Sinabi ni Justice Mendoza na kailangang magkaroon ng pagtanggap ang isang bar passer at ito ay magagawa lamang sa pamamagitan ng panunumpa sa tungkulin.
Magugunita na si Llamas ay nakapasa sa 2002 Bar examinations na ang resulta ay ipinalabas noong Pebrero 28, 2003 at itinuturing na isa sa mga topnotcher sa Ateneo de Manila College of Law. Napatay ito noong Enero 10, 2003 matapos barilin hanggang sa mapatay ng suspek na si Bashir Adulrahman bunsod ng awayan sa trapiko sa kahabaan ng Buendia, Pasay City.
Kamakailan ay ibinasura rin ng SC ang naging kahilingan ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) branch 124 Judge Edmundo Acuna na kilalanin ang kanyang anak na si Edmund Gerard Acuna bilang isang abugado.
Si Acuna ay namatay noong Disyembre 2002 matapos na pumutok ang ugat nito sa ulo bunsod ng aneurysm.
Sinabi ng Mataas na Hukuman na hindi maaaring pumirma si Judge Acuna sa Roll of Attorneys upang gawing isang ganap na abugado ang kanyang anak dahil ito ay patay na at hindi rin maaari pang manumpa sa kanyang tungkulin katulad ni Llamas. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
23 hours ago
Recommended