Bakuna kontra biological attack ikinasa sa Israel
March 23, 2003 | 12:00am
Hiniling ng embahada ng Pilipinas sa Israel sa libu-libong manggagawang Pilipino doon na magpasailalim sa "atropine vaccine" upang magsilbing proteksiyon sa kinatatakutang biological attack ng Israel bilang ganti sa pag-atake ng US-led coalition forces sa Baghdad.
Base sa report, isa-isa nang nagpapabakuna ang mga manggagawang Pilipino doon matapos ang instruction ni Ambassador Belen Anota bilang safety precautions sa nagaganap na pag-atake at umaatikabong labanan sa Baghdad at southern Iraq.
"The OFWs have instructed to carry gas mask with themselves wherever they go, secure atropine and go straight home from work," ani Anota sa report nito kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople.
Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Phil. Embassy sa Israel sa mga Filipino community at nagsagawa ng drills matapos na testingin ang kani-kanilang gas mask kits.
"Every OFW has a gas mask and preparedness manual on hand," ani Anota.
Sinabi pa nito na tiniyak ng pamahalaang Israel ang seguridad ng siyam na Pinoy na nasa bilangguan matapos na hilingin ito sa Ministry of Interior doon.
Sa Kuwait, umaabot na sa 150 Pinoy workers ang inilipat mula sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa "Bahay Pinoy" sa Nuwaysib, Kuwait malapit sa border ng Saudi Arabia. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest