12 US, British troops todas sa Kuwait
March 22, 2003 | 12:00am
Dinanas ng magkasanib na lakas ng US at Britanya ang unang pinakamalaking bilang ng mga nasawi nang bumagsak ang unang Marine CH46E Sea Knight transport helicopter sa Kuwait border na ikinasawi ng 12 sundalo, walong Briton at apat na Kano, simula nang ilunsad ang giyera laban sa Iraq noong Huwebes.
Hindi pa matiyak kung ang pagbagsak ay bunga ng mechanical failure o pinabagsak ng puwersa ni Iraqi Pres. Saddam Hussein.
Kahapon ng madaling-araw ay sinimulan na ang ground combat matapos na pasukin ng US-led coalition forces ang Iraq border.
Habang sunud-sunod ang pagpapaulan ng Alsamound missile ng US allied forces sa mga pangunahing gusali sa Baghdad ay tumawid sa border ang US 7th Cavalry at US Army 3rd Infantry Division bilang advance party sakay ng mga tangke, military service trucks, armored assault vehicles at Humvees.
Nakaposisyon na rin ang mga US airborne troops at nag-aantabay ng go-signal upang pasukin ang Baghdad kasabay ng naturang advance party na mabilis na bumabagtas ngayon sa disyerto sa katimugang bahagi ng Iraq patungo sa Baghdad.
Maingat ang ginagawang pagpasok ng US-British troops at mine sweepers sa bawat lugar na madaanan para tiyakin ang seguridad ng mga kasunod pang military troops sa mga landmines na posibleng nakatanim doon.
Sunud-sunod ang pagresponde ng mga bumbero at ambulansiya sa Baghdad matapos ang matinding sunog at pagsabog mula sa target na mga critical buildings kabilang ang main palace complex ni Hussein.
Ayon sa Pentagon, may apat na gusali na "selective target" ng surgical military forces at fighter jets ang nawasak mula sa mga pinakawalang accurate at guided missiles sa Baghdad.
Samantala, umabot na sa 15 oil fields ang pinasabog ng hinihinalang mga tauhan ni Hussein sa southern Iraq sanhi ng matinding sunog sa mga imbakan ng mga langis doon.
Ang Iraq ang sinasabing nagsusuplay sa buong mundo ng 2.3 milyong bariles ng langis kada araw.
Kaugnay nito, iniulat na may apat na sundalong Iraqi at anim pa ang sugatan ng magsimula ang giyera. Sa talaan ng Red Cross, isang babae ang nasawi at 14 pang sibilyan ang sugatan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest