^

Bansa

Malawakang sibakan sa BIR dahil sa NARA

-
Hiniling kahapon ng Bureau of Internal Revenue Confederation of Employees Association (BIRCEA) sa Senado na ibasura ang panukalang pagtatayo ng National Authority for Revenue Administration (NARA) dahil mangangahulugan ito ng malawakang sibakan sa kanilang hanay.

Ayon sa BIRCEA, hindi ang pagtatayo ng NARA bilang kapalit ng BIR ang solusyon sa paglaban sa corruption o para mapataas ang koleksiyon ng buwis ng pamahalaan. Magbibigay daan lamang ito upang lalong malayang makatakas sa pagbabayad ng buwis ang malaking negosyante.

Inakusahan ng BIRCEA na nagsagawa ng kilos-protesta sa Senado, na layunin lamang ng pagtatayo ng NARA ay para sa political patronage at para mabigyan ng puwesto ang mga malalapit sa administrasyon.

Mahigpit na tinutulan ng nasabing organisasyon ang pagbuwag sa BIR at pagtatayo ng NARA kaya umapela ang mga ito sa mga mambabatas na ibasura ang senate bill 2463 na nakahain sa Senado. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE CONFEDERATION OF EMPLOYEES ASSOCIATION

HINILING

INAKUSAHAN

MAGBIBIGAY

MAHIGPIT

NATIONAL AUTHORITY

REVENUE ADMINISTRATION

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with