^

Bansa

US-Iraq force magsasalpukan na!

-
Nakaabang ang buong mundo ngayon sa pagtatagisan ng lakas ng puwersa, armas at sundalo ng Estados Unidos at Iraq matapos na ibasura ni Iraqi President Saddam Hussein ang 48-oras na ibinigay na ultimatum ni US President George Bush para lisanin nito ang Iraq.

Isang minuto pagkalipas ng alas-9 ng umaga ngayon, wala nang atrasan ang gagawing pag-atake ng Amerika matapos na mapaso ang taning na ibinigay ni Bush kay Saddam.

Binalewala ni Saddam ang pag-aalburoto ni Bush at nanindigan na huwag umalis sa Iraq at isuko ang posisyon nito.

Sinabi ni Saddam na handa ang kanyang militar, armas at mamamayan sa pagsasagawa ng "terorismo" ng US sa kanyang bansa.

Tinatayang may 300,000 hukbong sandatahan ng US ang itatapat sa 350,000 sundalo ng Iraq pero mas nakakahigit ang mga warships ng US kumpara sa Iraq. Pinakamalaking puwersa ng Amerika ang Navy na may 130,000 tropa.

Sa pamamagitan ng hi-tech weapons ay kayang pabagsakin si Saddam sa loob lang ng isang linggo puwera na lang kung gumamit ng biological at chemical weapons ang Iraq o ang kinatatakutang nuclear weapon.

Hinihinalang maraming madadamay na sibilyan sa Baghdad na may 8 milyon ang populasyon dahil sa tahasang paghayag ng mga ito na lalaban din ng mano-mano sa US troops.

Walang balak umalis ang mga residente dito kahit na bombahin pa sila ay lalaban hanggang sa huling sandali.

Naniniwala ang mga Iraqi na hindi makatarungan ang ginagawang panggigipit sa kanila ng Amerika.

Maging ang mga kabataan na may edad 16 pababa at mga kababaihan ay nagkakaisa sa Iraq at may mga hawak na ring armas upang ipaglaban ang kanilang bansa na planong sakupin ng pamahalaang US.

Ang Baghdad ang unang target ng US warships sa pamamagitan ng plinanong air assaults mula sa nakaantabay na libu-libong sundalong Kano.

Nagpahayag ang US na hindi na sila mapipigil sa kanilang paglusob bagaman wala itong basbas ng United Nations Security Council. (Ulat ni Ellen Fernando)

AMERIKA

ANG BAGHDAD

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

IRAQ

IRAQI PRESIDENT SADDAM HUSSEIN

PRESIDENT GEORGE BUSH

SADDAM

UNITED NATIONS SECURITY COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with