Ayon kay Charge d Affaires Grace Escalante ng Phil. Embassy sa Iraq, tanging Iraqi caretakers na lamang ang natira doon.
Ayon kay Escalante, tanging ang pitong Filipina na nakapag-asawa ng mga Iraqis at 21 mga anak nito ang natitira sa Iraq. Naunang nagpahayag ang mga Pilipinang ito na hindi sila aalis at iiwan ang kani-kanilang bahay at pamilya kahit sumiklab pa ang giyera.
Umalis na rin sa Iraq ang 136 UN inspectors habang pinalilikas na ang lahat na British nationals.
Ang Baghdad na may populasyon na tinatayang 8 milyon at hinihinalang safe ground ni Saddam ang unang target ng US war troops na atakihin. (Ulat ni Ellen Fernando)