^

Bansa

Phil. Embassy sa Iraq nilisan na ng staff

-
Dahil sa paghayag na tuloy ang giyera sa Gitnang Silangan, tuluyan nang nilisan ng mga opisyal at natitirang staff ang embahada ng Pilipinas sa Baghdad, Iraq.

Ayon kay Charge d’ Affaires Grace Escalante ng Phil. Embassy sa Iraq, tanging Iraqi caretakers na lamang ang natira doon.

Ayon kay Escalante, tanging ang pitong Filipina na nakapag-asawa ng mga Iraqis at 21 mga anak nito ang natitira sa Iraq. Naunang nagpahayag ang mga Pilipinang ito na hindi sila aalis at iiwan ang kani-kanilang bahay at pamilya kahit sumiklab pa ang giyera.

Umalis na rin sa Iraq ang 136 UN inspectors habang pinalilikas na ang lahat na British nationals.

Ang Baghdad na may populasyon na tinatayang 8 milyon at hinihinalang safe ground ni Saddam ang unang target ng US war troops na atakihin. (Ulat ni Ellen Fernando)

AFFAIRES GRACE ESCALANTE

ANG BAGHDAD

AYON

DAHIL

ELLEN FERNANDO

ESCALANTE

FILIPINA

GITNANG SILANGAN

NAUNANG

PILIPINANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with