Sigaw ni Honasan: Corruption sa gobyerno durugin
March 19, 2003 | 12:00am
Nanawagan kahapon si Senador Gregorio "Gringo" Honasan na panahon na upang durugin ang katiwalian sa pamahalaan upang magkaroon ng "national recovery" o pambansang pagbabangon at mapaunlad ang kabuhayan ng taumbayan.
Bilang unang hakbang, iminungkahi ni Honasan ang kumpletong pagbalasa sa Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs sa pamamagitan ng pagsibak sa lahat ng BIR district at regional officers, gayundin ang pagsipa sa BoC commissioners at deputy commissioners.
Sa pangatlong pulong ng Citizens Caucus kamakailan sa Baguio City na dinaluhan ng mahigit 300 kinatawan ng ibat ibang sektor, tinanggap ng naturang civil society group ang National Recovery Program (NRP) na binalangkas ng vice presidentiable mula sa Bicol. Ang Citizens Caucus ay isang forum ng mga progresibong lider, mga prospesyunal, mga grupo ng estudyante at manggagawa na pinamumunuan ni dating Sen. Francisco Tatad.
Ayon kay Honasan, ang NRP ay isang "strategic package" ng mga proactive policy measures na binalangkas upang mapigilan ang pagbulusok ng bayan at mailalatag ang mga pundasyon ng isang tunay na malakas na bansa.
Bukod sa pagdurog sa katiwalian sa pamahalaan, ang iba pang hakbang na isinusulong ng NRP ni Honasan ay pagrereporma ng PNP at AFP upang maging epektibong mga sandata ng gobyerno laban sa kriminalidad at insurhensiya; tugunan ang mga problema ng kawalan ng trabaho, pagsasara ng mga pagawaan at paghina ng agriculture output dahil sa pagbubukas sa dayuhang kalakal sanhi ng globalisasyon; pagtataguyod ng labor-intensive rural infrastructure at pagpapalawak ng agrarian reform, at promosyon ng parehong natural at artipisyal na pamamaraan ng birth control sa lahat ng government-run health centers at mga klinika upang magkaroon ng mas matalinong pagpili ang mga mag-asawa, pati na ang pamamahagi ng mga libre o abot-kayang artificial contraceptive devices. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest