Balikatan idaraos sa mga lugar na malakas ang suporta sa US troops
March 17, 2003 | 12:00am
Sa mga lugar sa bansa na malakas ang suporta ng taumbayan sa tropa ng mga sundalong Amerikano ikinokonsidera ng pamahalaan idaos ang RP-US joint military exercises o ang Balikatan 03-1.
Ayon kay Lt. Col. Michael Manquiquis, Public Information Office chief ng AFP, kinakailangang sa lugar na maganda ang pagtanggap ng taumbayan sa Balikatan idaos ang training exercise upang hindi ito lumikha ng tensiyon at kaguluhan.
Nauna nang tinuligsa ng mga residente ng Sulu ang planong pagdaraos ng RP-US joint military exercises sa kanilang lalawigan na hinihinalang iniumang laban sa grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group kung saan ay lumutang ang espekulasyon na sasabak umano sa combat mission ang tropang Kano.
Kabilang sa mga lugar na ikinokonsiderang pagdausan ng Balikatan 03-1 ay ang MIMAROPA na kinabibilangan ng Mindoro Oriental, Mindoro Occidental, Marinduque, Romblon at Palawan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest