^

Bansa

Libingan ng mga Bayani ilalagay rin sa mga probinsiya

-
Inaprubahan na ng House committee on veterans affairs ang dalawang magkahiwalay na panukalang naglalayong maglagay ng mga national cemeteries para sa mga bayani sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pangunahing mabebenepisyuhan ng House bills 2479 at 2647 na inihain ni La Union Rep. Tomas Dumpit ay mga beterano at military personnel.

Sa ilalim ng HB 2479, magkakaroon ng isang national cemetery sa bawat rehiyon at major island sa bansa upang magsilbing memorial at permanenteng "tirahan" ng mga yumaong beterano, military personnel at mamamayan na nagbigay ng serbisyo sa bayan.

Ang HB 2647 naman ay naglalayong magtayo ng isang Heroes hall sa bawat rehiyon sa bansa.

Sinabi ni Dumpit na ang Libingan ng mga Bayani na nasa Fort Bonifacio ang natatanging national cemetery para sa mga beterano sa buong bansa.

Sa kabila na naglaan na rin ang Ilocos city government at ilang siyudad at munisipalidad sa bansa ng maliit na lugar para paglibingan ng kanilang mga bayani, beterano at military personnel ay wala naman ito sa ibang lugar.

Sinabi ng mambabatas na maraming kamag-anakan ng mga yumaong bayani o beterano ang mas pinipili pang ilibing sa pribadong libingan malapit sa kanilang tirahan kaysa sa Libingan ng mga Bayani dahil malayo ito. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

BAYANI

DUMPIT

FORT BONIFACIO

ILOCOS

LA UNION REP

LIBINGAN

MALOU ESCUDERO

SINABI

TOMAS DUMPIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with