^

Bansa

Networking bubusisiin rin

-
Iimbestigahan din ni Senator Robert Jaworski ang mga sinasabing networking ng iba’t ibang kumpanya na kumakalap ng mga miyembro para makabenta ng kanilang produkto.

Kabilang sa networking na planong busisiin ng senate committee on trade and commerce na pinamumunuan ni Sen. Jaworski ay ang Forever Living ni National Security Adviser Roilo Golez, First Quadrant ni Housing Secretary Mike Defensor at Natasha.

Sinabi ni Jaworski na hindi niya sinasabing may scam sa mga networking na ito kundi dahil tulad ng pyramiding ay kinakailangang mag-recruit ang mga managers nito upang mapataas ang kanilang benta.

"Yung mga area manager o sales managers ng mga networking na ito ay nagpaparami ng kanilang agent para tumaas ang benta ng kanilang produkto at nakakakuha ng commission tulad din ng mga counselors ng lending firm na sangkot sa pyramiding scam na kumikita sa pamamagitan ng recruitment," wika ni Jaworski.

Samatala, magpapatuloy sa Miyerkules ang imbestigasyon ng komite sa Multitel ni Rosario Baladjay at inaasahang isusumite nito sa Senado ang lahat ng pinanghahawakan niyang dokumento kabilang ang listahan ng mga investors nito.

Ayon naman kay Jaworski, wala siyang nakikitang punto upang pati ang mga senador at opisyal ng gobyerno na dumalo at nag-endorse sa Multitel sa pag-aakalang lehitimong kumpanya ay dapat papanagutin dahil "in good faith" naman ang mga ito sa pag-aakalang legitimate business ang Multitel kaya nila inendorso sa publiko.

Kabilang sa sinasabing naging endorser ng Multitel International Telecom and Multitel Investment Holdings ay sina Senate Majority Leader Loren Legarda, Vice President Teofisto Guingona, Sen. Edgardo Angara, Makati Mayor Jejomar Binay at Bishop Ted Bacani. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BISHOP TED BACANI

EDGARDO ANGARA

FIRST QUADRANT

FOREVER LIVING

HOUSING SECRETARY MIKE DEFENSOR

JAWORSKI

KABILANG

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

MULTITEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with