200 MILF dedo sa militar
March 14, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Mahigit sa 200 bilang na ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasawi sa apat na araw na umaatikabong labanan sa pagitan ng kanilang grupo at ng militar sa Pikit, North Cotabato.
Ayon kay Major Julieto Ando, 6th Infantry Division spokesman, kabilang sa mga nasawi ang isang MILF foreign-trained commander na si Abu Midal na nagsanay pa mula sa bansang Libya.
Ayon kay Ando, na-cordon umano ng militar ang grupo ng MILF na umatake sa Buliok complex na nagtangkang bawiin ang kanilang kampo mula sa pamahalaan.
Kinumpirma rin ni Ando na pawang mga kabataan na may edad 13, 15 at 17 na pawang mga "neophyte" o bagito ang ginamit ng MILF sa "battle point" laban sa puwersa ng militar.
Aniya, halata umanong wala pang mga karanasan sa giyera ang mga nasawi dahil sa hindi magandang estilo ng pakikipaglaban ng mga ito.
Sapol na sapol umano ng 105 howitzers at helicopter gunships ang mga kalaban dahil sa hindi magandang posisyon ng mga ito.
Mahinang klase din anya ng mga armas ang ginagamit ng kalaban kumpara sa mga sopistikado at high-powered armaments na ginagamit ng puwersa ng militar.
"Kawawa lang sila... although puro minors yung ipinansabak nila ay wala tayong magagawa at dapat lang na mag-retaliate ang militar laban sa kanilang atake. We are giving them time to fetch the cadavers of their comrades para mailibing nila," pahayag pa ni Ando.
Noong Lunes, unang araw ng laban ay naitalang 15 MILF ang nasawi, 73 noong Martes, 100 noong Miyerkules at mahigit 50 kahapon at inaasahang madadagdagan pa ito.
Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang air at ground assaults ng militar laban sa MILF. May 4 batalyon ng Army at Marines composite contingents ang kasalukuyang naka-deploy sa Buliok complex at kasalukuyang sumasabak sa pakikidigma laban sa umaatakeng grupo ng MILF.
Sa panayam kay MILF spokesman Eid Kabalu, sinabi nito na buo pa rin ang loob at desidido ang MILF na bawiin mula sa pamahalaan ang kanilang kampo sa Buliok.
Ayon pa kay Kabalu, kung sakaling muling buksan umano ng pamahalaan ang negosasyon ay wala nang planong makiharap ang liderato ng MILF.
Pinal na umano ang desisyon ng MILF central committee kung saan napagkasunduan ng mga ito na kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad makipag-usap ang pamahalaan.
Dagdag pa ni Kabalu na hindi lamang sa Buliok complex ang laban kundi maging sa kanilang stronghold camp sa Camp Rajamuda na nasa tri-boundary ng Maguindanao, Sultan Kudarat at North Cotabato.
Samantala, umaabot na sa halos 600 bilang ng mga sibilyan ang nagsilikas mula sa kani-kanilang mga barangay dahil sa patuloy na giyera sa central Mindanao.
Pinangangambahan naman ang posibleng pagkakaroon ng outbreak sa mga sakit na malaria at dysenterya dahil sa hindi magandang sanitasyon at shortage sa mga evacuation centers. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
14 hours ago
Recommended