Ang nasabing pondo ay gagamitin ng militar, pulisya at local government units para labanan ang terorismo sa Mindanao.
Sinabi ni House Speaker Jose de Venecia na aabot sa P250 milyon ang pondong malilikom mula sa mga mambabatas na kinabibilangan ng Christian, Muslim at Lumad Mindanao. Kinumpirma ni de Venecia na nangako rin si Pangulong Arroyo na magbibigay ng P250M bilang katapat sa pork barrel ng mga mambabatas. Gagamitin din ang pondo para sa reward system upang mapabilis ang paghuli sa mga teroristang nagkukuta sa Mindanao. (Ulat ni Malou Escudero)