Ayon sa isang abogado ni Estrada na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi maganda kung papalitan sila matapos magkaroon ng positibong kaganapan sa kaso ni ex-San Juan Mayor Jinggoy Estrada na kasalukuyang nakalalaya.
Hindi umano napapanahon ang pagpapalit ng abugado ng dating Pangulo. Maganda anya ang kanilang ginagawa sa pagdepensa sa mga akusado ng plunder case at ang paggigiit sa korte na pansamantalang makalaya si Jinggoy.
Ang reaksiyon ay kaugnay sa ipinahayag ni Atty. Raymund Fortun, spokesman at dating abogado ni Estrada na may mahalagang ipapahayag sa mga susunod na araw ang dating lider at isa na dito ay ang kinokonsiderang pagbabalik ng mga dating abugado.
Kabilang sa mga counsel de officio ni Estrada sina dating Sandigan Presiding Justice Manuel Pamaran at Attys. Irene Jurado, Noel Malaya at Prospero Crescini. (Ulat ni Malou Escudero)