^

Bansa

Kuratong case posibleng buksan ng SC

-
Posibleng muling buksan ng Korte Suprema ang Kuratong Baleleng case na kinasangkutan ni Senator Panfilo Lacson at iba pang mga opisyal ng PNP.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng SC na tumangging magpakilala, ilalabas na nila anumang araw ngayon ang kanilang desisyon sa motion for reconsideration sa kaso ni Lacson.

May posibilidad umano na mabago ang botohan ng 15 mahistrado ng Korte dahil nagretiro na ang ilan sa mga ito na sinasabing kadikit ni Lacson.

Kabilang sa mga SC Justice na nagretiro na at umano’y malapit kay Lacson sina Associate Justices Santiago Kapunan, Jose Melo at Bernard Pardo.

Napag-alaman pa sa source na si dating Associate Justice Sabino de Leon ang orihinal na ponente sa kaso at ang rekomendasyon nito ay isulong ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa senador.

Dahilan dito kaya malaki umano ang posibilidad na muling buksan ang kaso ni Lacson na magiging daan upang arestuhin ito.

Si Lacson ay itinuturing na umano’y kasama sa pagpatay sa 11 miyembro ng Kuratong Baleleng robbery syndicate sa Quezon city. (Ulat ni Gemma Amargo)

ASSOCIATE JUSTICE SABINO

ASSOCIATE JUSTICES SANTIAGO KAPUNAN

BERNARD PARDO

GEMMA AMARGO

JOSE MELO

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

LACSON

SENATOR PANFILO LACSON

SI LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with