AMLA batas na
March 8, 2003 | 12:00am
Ganap ng batas ang Republic Act 9194 o Anti-Money Laundering Act matapos pormal na lagdaan kahapon ni Pangulong Arroyo ang pagpapatibay dito.
Inaasahang maaalis na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang hindi nagpapatupad ng regulasyon ng AMLA at hindi na rin mapapatawan ng sanctions ng Financial Action Task Force dahil napagtibay ito bago pa sumapit ang deadline na March 15.
Sinabi ng Pangulo na ang AMLA ay magpapalakas sa batas laban sa pagpasok sa bansa ng salaping mula sa ilegal na aktibidad at sindikato ng krimen. Makatutulong din ito ng malaki sa pagsugpo ng terorismo.
Ang pinagtibay na RA 9194 ay susog sa AMLA of 2001. Ibinaba sa halagang P500,000 mula sa dating P4 milyon ang depositong puwedeng mapailalim sa imbestigasyon sa hinalang mula ito sa kasong kidnapping-for-ransom, drug trafficking at hijacking.
Binibigyang awtorisasyon ng batas ang AMLA Council na mabusisi ang hinihinalang deposito sa bangko sa utos ng korte. Hindi na kailangan ang direktiba ng korte kung ang kontrobersiyal na deposito ay may kinalaman sa tatlong nabanggit na mga kaso. Kapag nakumpirma na ang pera ay galing sa kidnapping, drugs o hijacking ay kaagad itong ipaiilalim sa "freeze order." (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest