MJ pinatalsik sa pagka-kongresista
March 7, 2003 | 12:00am
Inabot na naman ng isa pang kamalasan si Manila 6th District Rep. Mark Jimenez matapos magpalabas kahapon ng desisyon ang House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na nag-uutos sa kongresista na bakantihin ang kanyang puwesto dahil hindi siya residente ng Maynila.
Sinabi ni Atty. Pete Cuadra, abogado ng petitioner na si dating Manila Rep. Rosenda Ann Ocampo, pinagbasehan ng desisyon ang records ng extradition case ni Jimenez na nagpapakitang si Jimenez ay residente ng Makati City.
Base sa extradition proceedings laban kay Jimenez, sinabi nito na siya ay residente ng No. 56 Ginza st., Forbes Park, Makati City.
Sa ilalim ng Konstitusyon, ang isang kandidato para maging kongresista ay dapat residente ng mahigit na isang taon sa lugar kung nais niyang maging kinatawan. Hindi naabot ni Jimenez ang requirements na ito.
Nang tumakbo si Jimenez nitong nakaraang eleksiyon kung saan tinalo niya si Pablo Ocampo, ama ni ex-Rep. Sandy Ocampo, ginamit nito ang address na #3445 Magistrado Torres st., Bacood, Sta. Mesa, Manila.
Pito sa siyam na miyembro ng HRET ang bumoto laban kay Jimenez at ang mga ito ay kinabibilangan nina Supreme Court Justices Renato Puno, Vicente Mendoza at Leandro Quisumbing.
Ang mga mambabatas naman ay sina Reps. Zenaida Ducut (Pampanga); Oscar Moreno (Pampanga); Douglas Cagas (Davao) at Salacnib Baterina (Ilocos Sur.)
Tanging sina Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo at Laguna Rep. Joaquin Chipeco ang pumabor kay Jimenez.
Si Jimenez ay pansamantalang nakalalaya sa Miami, Florida matapos maglagak ng piyansa noong nakaraang buwan.
Matapos matanggap ang desisyon ng HRET, sinabi ni Cuadra na maghahain sila ng mosyon upang kilalanin ang mga botong natanggap ni Pablo Ocampo na tinalo ni Jimenez.
Binigyan naman ng 10 araw ang kampo ni Jimenez upang umapela at maghain ng motion for reconsideration sa Supreme Court. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest