Kasabay nito, humingi ng paumanhin ang mataas na lider ng Abu Sayyaf na si Hamsi Raji Salih, alias Jose Ramirez sa mga kaanak ng mga nasawi at nasugatan sa insidente.
Sa isang panayam ng ANC TV, nilinaw ni Salih na ang orihinal na plano ay pasabugin ang bomba sa madaling-araw upang walang buhay na madamay.
Ito anya ay sa layuning ibagsak ang ekonomiya ng Pilipinas at takutin ang mga investors na magnegosyo sa Mindanao.
Tiniyak ni Salih na ang mga tauhan ng Abu Sayyaf na pumalpak sa kanilang misyon ay lalapatan ng karampatang parusa tulad ng bitay na alinsunod sa batas ng Islam.
Hawak na umano nila ang mga kasamahan nila na nagsagawa ng pambobomba.
Binigyang diin ni Salih na ang tanging intensiyon nila ay destabilization at hindi ang pagpatay ng mga inosenteng mamamayan.
Umaabot na sa siyam katao ang naaresto ng mga awtoridad sa pambobomba.
Kasalukuyang sumasailalim sa masusing interogasyon at background check ang nasabing mga suspek.
Samantala, kinilala na ng mga awtoridad ang mga nasawi na sina Armand Picar, dating world bantamweight boxing champion; Marlino Lowedia; Darwisa Lafuente; Cecilia Aligato Tauboshima; Julius Maonas; Celeste Arota; Raina Fedilis Juan; Odog Ronieta; Mary Ann Camecer; Chonabel Parilla; Cayetano Caliza Jr.; Kenneth Rasay; Felimon Omandoc; Leonardo Laborte; William Hyde, isang US missionary; Adela Fuagata; Adelfa Lumanda; Montasher Sudang at Gregorio Pusta Sr.
Pinagbasehan nito ang pahayag nina AFP Southern Command chief Lt. Gen Narciso Abaya at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sinasabing maraming krimen ang inaako ang Sayyaf na hindi kapani-paniwala.
Sinabi ni Abaya na posibleng taktika lamang ang pahayag ni Salih.
Hinihinala naman ni Defense Secretary Angelo Reyes na posibleng kinasabwat ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang ASG para akuin ang Davao bombing.
Ayon kay Reyes, nais lang ng MILF na huwag mabahiran ang kredibilidad ng rebeldeng grupo.
Ito ang paniwala ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos matapos lumabas ang balitang may sangkap na "Plastique" o mas kilala sa tawag na C4 ang bombang ginamit.
Sinabi ni Marcos na ang Plastique ay isang uri ng US-manufactured explosives at hindi ito kilala ng mga hindi bihasa at non-professional criminals.
Dalawang grupo lamang anya ang maaring gumamit ng nasabing pampasabog at ito ay ang Jemaah Islamiyah na maaring nakipagsabwatan sa local operatives nila na Abu Sayyaf o ang militar na may malawak na kaalaman sa paggawa ng bomba.
Sa kasalukuyan ay mayroong ordinansa na nagbabawal sa pagbebenta at pag-iingat ng nasabing bomba maliban sa militar.
Nagbabala rin si Marcos sa pamahalaan na mag-ingat sa pagpi-prisinta ng mga suspek lalo na ito ay Muslim nang wala namang matibay na ebidensiya.
Hindi anya makakatulong sa pagtukoy ng mga totoong suspek ang pagpiprisinta sa media ng mga fall guy upang maipakita lamang na may ginagawa ang gobyerno sa pagresolba ng kaso.
Idinagdag nito na maliwanag na nakaplano ang pambobomba sa Mindanao kung saan inuna ang Cotabato at isinunod ang Davao. (Ulat nina Danilo Garcia,Malou Escudero at Ely Saludar)