Ash Wednesday ngayon

Hiniling ng Simbahang Katoliko na sa paggunita ngayon ng selebrasyon ng Ash Wednesday ay makiisa ang sambayanang Pilipino sa pag-aayuno para sa kapayapaan.

Sa kalatas na ipinalabas ni Bishop Orlando Quevedo, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), nakiisa ang Santo Papa sa lahat ng mga Katoliko sa buong mundo para ipagdiwang ang Ash Wednesday bilang araw ng pagdarasal at pag-ayuno para sa kapayapaan.

Iminungkahi umano ng Santo Papa na gawing isang linggo ang selebrasyon bilang "Linggo ng pagdarasal at sakripisyo ng Iraq at ng Estados Unidos."

Sa loob ng isang linggo (Marso 5-12) ay magsasagawa ng misa, pagrorosaryo, pag-ayuno, prusisyon para sa kapayapaan at sa huling Miyerkules ay novena para sa Our Lady of Perpetual Help. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments