^

Bansa

Pagdurog sa Abu di makakapekto sa ibang lugar

-
Tiniyak ng militar sa Malacañang na hindi maaapektuhan ang seguridad ng ibang lugar sa bansa kahit nakatutok ang atensiyon nito sa pagdurog sa Abu Sayyaf dahil sa 90 araw palugit ni Pangulong Arroyo.

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Dionisio Santiago na tungkulin ng militar na pangalagaan ang seguridad ng buong bansa kahit may espesyal itong operasyon laban sa Sayyaf kaya walang katotohanan ang pahayag ng isang US-based think-tank Strategic Forecasting (Stratfor) na posibleng atakihin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang ibang bahagi ng bansa kapag ibinuhos ng AFP ang kanilang puwersa sa Basilan at Sulu para matupad ang kautusan ng Pangulo na durugin ang ASG sa loob ng tatlong buwan.

Nilinaw nito na isang infantry division lang ang sumasailalim sa Basilan-Sulu-Tawi-Tawi area kaya hindi mauubos ang puwersa ng militar. (Ulat ni Ely Saludar)

ABU SAYYAF

BASILAN

BASILAN-SULU-TAWI-TAWI

CHIEF OF STAFF GENERAL DIONISIO SANTIAGO

ELY SALUDAR

MALACA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NEW PEOPLE

PANGULONG ARROYO

STRATEGIC FORECASTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with