AGILE palayasin!
February 27, 2003 | 12:00am
Dapat umanong palayasin na sa bansa ang mga opisyal at tauhan ng kontrobersiyal na Accelerating Growth, Investment and Liberalization with Equity (AGILE), ang lobby group ng Estados Unidos, matapos mabulgar na napasok na nito ang mga sensitibo at mahahalagang tanggapan ng pamahalaan.
Sa ginanap na forum kahapon sa Citio Fernandina sa Greenhills, San Juan, sinabi ni Sen. Aqulino Pimentel na kaduda-duda umano na sa tanggapan pa ng pamahalaan tulad ng executives, legislative at judiciary nag-uupisina ang AGILE.
Una rito, tinuligsa ng mga mambabatas ang umanoy mistulang pagtatatag ng US ng "shadow government" sa Pilipinas sa pamamagitan ng AGILE para mag-espiya sa bansa. Hanggat aktibo ang AGILE sa paglabas-masok sa mga tanggapan ng gobyerno ay wala na umanong maitatagong sikreto ang administrasyon.
Gayunman, sinabi ni Pimentel na anuman ang hidden agenda ng AGILE ay walang dapat sisihin dito kundi ang mga opisyal mismo ng pamahalaan na pumasok sa bilateral agreement sa Development Alternatives Inc. ng US noong 1997 ng malagay sa krisis ang ekonomiya ng Pilipinas. Sa ilalim ng kasunduan ay mananatili ang AGILE sa bansa hanggang 2004.
Naghihinala si Pimentel na ang mga kinatawan at opisyal ng AGILE ang nag-leak ng impormasyon sa Financial Action Task Force hinggil sa pag-aamyenda ng Senado sa Anti-Money Laundering Act kaya hindi pa man ito nakakarating sa Palasyo ay nabasura na. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest