Barko lumubog: 7 Pinoy nawawala
February 27, 2003 | 12:00am
Wala pang isang linggo, isa na namang barko na may Filipino flag ang lumubog sa karagatan ng Japan at isang tripulanteng Pinoy pa lamang ang iniulat na nasagip habang 7 pa ang pinaghahanap.
Sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Tokyo, Japan kasalukuyang nasa ospital doon ang nasagip na si Nilo Macasling, chief engineer ng lumubog na M/V Mahlia, may bigat na 217.14 tonelada. Lulan nito ang 8 crew.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakita si Macasling ng mga nagrespondeng kagawad ng M/V Asian Dynasty, isa ring Philippine cargo vessel habang nasa isang safety bag.
Ang 7 seamen na nawawala ay pawang nakasuot ng life jacket bago bumaligtad hanggang sa tuluyang lumubog ang barko.
Isang search and rescue operations na ang isinasagawa para sa 7 missing Pinoy seamen. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest